-
There are people out there that can…
Do this:

And there is me:

(via lmaogtfo)
-
I EXIST BECAUSE OF GOD!
-
NO BIAS.JUST UPPERSWAG.GO UP PEP SQUAD!
-
Time to rest.
I really need to ace this exam later. I will be so dead if I jerk this up:)Wish me luck everyone:))))GOOD MORNING:)))))
-
Waking up in the morning
And going to school thinking this will be a good day even after receiving a D- exam yesterday.
-
Magulong Data
Bakit ba ganito? Meron bang plywood na 0.3 mm lang ang thickness na kayang mag withstand ng 1000+ MPa na stress!!!langyang data yan!!abay natulog ata sa kangkunngan ang nagrecord nito eh!wah!babaguhin ko ba? o papaniwalain ko na lang ang sarili ko na pag tumayo ako sa 0.3 mm na plywood na to na suspended sa ere ay hindi ito babagsak kahit magsama pa ako ng kaibigan? Potek! ayoko pang mamatay! I thank you! Bow! Yung mala- alarm clock ko na lang kaya na kapit-bahay ang una kong patapakin sa model na to:)
-
LSS
Alam ng mga kaclose ko na hindi talaga ako fan ng OPM pero once in a blue moon meron tayong mararanasan na phenomenon na tinatawag na Last Song Syndrome kung saan parang nagplaplay na lang ng paulit-ulit sa iyong bunganga ang isang kantang narining mo sa playlist ng kung sinu man, background song ng isang teleserye, o kaya naman narinig mo lang sa pagkanta ng room mate mong hobby ang pagkanta ng malakas habang nagpapahinga ka sa kwarto. Nagkataong nararansan ko siya ngayon. OPM to katumblr! “Gisingin ang Puso” by Liezel Garcia! “alaala mo sa akin ay gumugulo……” :)
-
Kwarto ng Lagim
Alas kwatro, alas kwatro ng hapon,tirik na tirik pa ang haring araw. Pero bakit ng lumapit na ko sa kwarto parang biglang tinakpan ng madilim na ulap ang kanina lamang na maaliwalas na kalangitan? Umupo ako sa silya at naghintay para tawagin ang pangalan ko. Lumipas ang limang minuto. Lumipas ang sampu. “Aalis na ba ako?, wala na naman akong nararamdaman eh. Pero panu kung bigla na lang ang ako magkaproblema pag sapit ng gabi? kailangan ngayon na matapos ‘to!” binubulong ko ang mga salitang ito ng pauulit-ulit hanggang lumabas sa kwarto ang matandang babae na tila bakas ang lungkot at pighati sa kanyang pinagdaanan. “Aalis na ako!ayoko na” Tumawag ang isang tagong boses mula sa kung saan ng isang pangalan. Hindi akin. Nais ko nang umalis pero tila nakapako ang dalawa kong paa sa sahig. Hindi ako makakilos at makapalag. Nagtatalo pa rin ang utak ko sa dapat kong gawin. Umalis at magdusa. Maghintay at magdusa. Hindi ko na alam. Bahala na.n Tinawag na ang aking pangalan ni hindi ko man lang napansin na lumabas na ang babaeng unang tinawag bago ako. Lumabas nga ba siya? Sa isang pinong mesa, may isang babae ang bumati sa akin. Pansin ko ang hindi kagandahan ng aura niya. Parang sawa na siya sa araw-araw niyang gawain. Parang walang gana. Patuloy akong nagtatanung at sa tuwing siya ay sasagot hindi ko maiiwasan ang diretsong pagtingin niya sa aking mga mata at ang pagkunot ng kanyang noo na tila iritang irita na sa mga hirit ko. Nang biglang lumabas ang isa pang babae, maputi at malumanay ang pagkilos. Pinapasok ako sa isang silid at nakita ko ang bagay na matagal ko ng hindi nakikita at kailanman hindi ko na pinangarap makita pa. Isa pang silya. SILYA na ginawa rin ng gumawa ng silya elektrika. Walang pagiipmbot akong pinaupo sa naturang silya. Nakasilaw ang ilaw na nakatutok sa aking mukha. May pinasok na hose sa aking mga bunganga tila sunisipsip nito ang lahat ng laway sa aking bunganga. At dun nagsimula ang pighati. Puro kalansing ng bakal ang aking narining, matining na “EEEEEEEEEEeeeeeeeNNNNNNNNNNnnGGgggg” ang naririnig ko habang walang pagiimbot na binabarena ang aking ngipin. Tuloy-tuloy,walang hinto. Nalulunod ako sa sarili kong laway.Takot akong lumunok dahil sa unting paggalaw ko sa iba tatama ang mala barena na gamit. Gusto kong sumigaw pero may mga kamay na nakahawak sa panga ko. Unti-unti akong napapadulas sa silya pababa. Hinahagod ako pataas ng isang babaeng naghuhudyat sa akin na maging kalmado.” IKAW KAYA DITO!” , yan ang gusto kong isigaw pero wala akong magawa. Nagdidilim na ang paningin ko pero pinipilit kong gumising, malamig ang aking pawis at ramdam ko ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagpungay ng aking mga mata ng biglang huminto ang maingay at matinis na tunog. Tapos na ang unos. Akala ko.”Bubuksan ko na ‘tong may banda sa ugat”. sabi ng malambing na boses. “Ano? alin? UGAT?” hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinanggal ko ang hose mula sa aking bunganga at sinabing “Natatakot po ako.” hindi ko na inisip kung tatawanan ako o papahiyain, sinabi ko na lang ang unang sumagi sa isip ko. Pinahiga muli ako. Pinatuloy ang pagbabarena. Hanggang nagdugo. Nataranta ang babae at hininto ang pagkalikot sa bunganga ko. “Ruth, yung isang gamot, nagdudugo!” madali niyang sinabi. Wala na akong naisip, umikot na lang bigla ang paningin ko, na tila iniikot ,ang buong kwarto. Wala na akong naririnig at nakikita. May nararamdaman akong bulak na unting unting pinupunas sa aking mga bagang at ang patuloy na pagdaloy na animong tubig sa aking bunganga. Sinundan ito ng pagpahid ng tila malagkit na lupa sa aking ngipin. Diniin ng diniin. Madiin at madiin. Napapalag ako ng paa at napagalaw ang aking ulo. Tila may bigla na lang napatid na ugat sa aking utak. Sobrang sakit. Paulit-ulit. Tila mga kable na unti-unting pinipisil at pinipigtal. Nakapikit na ako sa sobrang sakit at ng dumilat ang aking mata, mag-isa na lang ako. May naririnig akong boses. Sinasabing magpa root canal daw ako o magpabunot na lang ng ipin. Hindi na daw kaya ng pasta. At ng ako’y tumayo may inabot sa akin na papel. “Pakibayaran na lang, iiskedul ko na lang kung kelan. Pakibayaran na lang yan sa labas.” Ayos ako na nga ang nagdusa ako pa ang gagastos.Ayoko ng bumalik. Ayoko na. Napakasaklap na dapit- hapon.
-

Cherishing the view of the Agno river:)
-
Hindi ko maintindihan
Naniniwala ako na bawat isa sa atin may natatanging talino. Naniniwala rin ako na ang katalinuhan ay maaring makita sa iba’t-ibang aspeto ng kakayahan. Ang hindi ko maintindihan ay ang SUPERIORITY COMPLEX ng ibang tao. Oo, magaling ka sa ibang bagay katulad ng pagsosolve ng mga x+4566y+2W=3452637882879187, o pagbuo ng mga puzzels o maging sa pagintindi sa mga nakakahilong equations pero bakit hindi mo magawang maisip at masolve sa napakatalino mong utak na hindi lahat ng tao katulad mo? NAPAKATALINO mo di ba? Sana naiisip muna natin kung paano natin pakitunguhan ang ibang taong na sa tingin natin ay may mas mababang pag unawa sa mga bagay na BIHASANG BIHASA tayo. Nakaka trauma kasi ang mga sinasabi natin at kinikilos para sa mga taong hindi masyadong maalam. Maaring unting pagtawa lang o pagkutya sa kahinaan ng kahit na sino ang ikabunga ng lamat sa pagtingin niya sa sarili niya. Mag-ingat tayo sa sinasabi natin.As the saying goes,”Words are sharper than knives”. Ito ang nararamdaman ko ngayong gabi, yung pakiramdam na minamaliit, yung pakiramdam ng pinagmumukhang tanga sa ibang tao. Nakakalungkot at nakakasakit sa damdamin. Nakakapandrama sa tumblr:) Kinukwento ko ito sa inyo dahil gusto ko kaawaan niyo ko este hindi niyo ko kaawaan kundi paalalahanan ang bawat isa kung gaano kasama sa pakiramdam ng isang batang inapi at nabiktima ng taong masyadong mataas, unreachable at bidabest. Wala akong sama ng loob sa kanya, mabilis kasi akong mawalan ng tampo pero it hurts you know.XD, I,thank you!:)